Lately, andame kong realization sa buhay.
Yung mga bagay na dati hindi ko talaga maintindihan, eh di na masyadong nakakagulo sa pag iisip ko, hindi na din ako ganun ka apektado(Siguro, sana nga..). hindi naman sa naiintindihan ko na lahat yun, wala lang, siguro natanggap ko lang na hindi nga lahat ng bagay mabibigyan ng paliwanag, at kung meron man, merong mga bagay na hindi na dapat pang alamin, kung baga dina dapat pilitin pang malaman, dahil sabi nga nila, “masakit ang katotohanan” at isa pa, hindi ba magiging boring ang buhay kung mawawalan na ng misteryo? Nakakainip yun, kung lahat ng bagay alam mo na, ano pang gagawin mo? Ni hindi ka na magtataka kung ano ba un pakiramdam kung gagawin ang isang bagay dahil alam mo na lahat ehh db?
Ang hirap pala talaga noh? Tanggaping mawawala na xeo ng tuluyan ang isang bagay na binuo mo ng unti unti sa tulong ng panahon,mga bagay na nagging bahagi na nang buhay mo ng hindi mo namamalayan. Nung una parang wala lang eh, pero as time goes by di mo napapansin na dumidikit na sya sa sistema mo, un tipong kulang un araw mo kapag di mo sya nakakausap o nakikita man lang. Ang saya ng buhay, simple lang non ehh, basta magkasama keyo ok na. Masaya sya, syempre ikaw din masaya na. Yun tipong kahit walang pag uusap na magaganapverbally, ayos lang, basta magkasama lang tanggal na lahat ng problema, db? Nakakarelate ka na ba? Ang saya, kaya lang may isang matalinong tao noon ang nakapagsabe na “Change is the only thing that is constant in this world”tama ba? Basta parang ganon nga. Habang humahaba ang kwento nyo di mo namamalayan, unti unti naman syang nawawala, Shocks! Bumabaliktad un mga pangyayari, kung gano un saya na naramdaman mo noon eh mas doble pa un sakit nararamdaman mo ngayon, ang masaklap jan di mo alam kung san nagsimula, kung baga di ka makapag isip ng “Cause and effect” Hala, at lalong bumibilis ang mga pangyayari, kamote! Ang tindi na ng pressure, bawat hakbang nagagawin mo pde mo na ikamatay, pero di pa dun nagtatapos ang lahat, susubukan mo pa din kung ano magagawa mo, pero habang tumatawad ka lalong tumataas ang presyo. Pano yan, gulong gulo ka na? San ka tatakbo? Kanino ka lalapit para humingi ng tulong? Dumadami na un mga tanong mo pero kahit isang clue wala ka pa din kung ano nab a talaga ang nangyayari, at kahit hindi sadyain ayan, tuluyan nang matatapos ang lahat, kahit ayaw mo wala ka nang magagawa, nakapag isip na sya eh, at sorry ka, di ka kasama sa mga plano nya. Masakit man, kelangan mo matanggap na hindi araw araw birthday mo. Nasa isang sitwasyon ka na parang meeron kang hawak na tubig sa yong palad na habang humihigpit un kapit mo eh lalong nauubos un tubig. Kumbaga wala ka na magagawa. Wag mu muna ipagpilitan un gusto mo. Baka imbis na maayos ang pang yayari eh lalo pang masira. At kung aabot ka sa puntong un dun talagang wala kang magagwa kundi isipin nalang un mga ala ala. Narinig ko minsan sa isang lasing eh na kapag un isang nabasag dawn a shot glass eh dapat tinatapon na dahil ndi un babalik sa dati, kapag pinilit mo ayusin masusugatan ka lang. Learn to LET GO…..
Bitin?
hehehehe…. Dpa naman xe tapos ang kwento ehh…
Ndi din ako sure kung merong babasa neto…. ^^,